Itong blog na ito ay halos 5 buwan in the making. But the love story behind it is made to last for a lifetime.
BABALA: Kung babasahin mo ang blog na ito, siguraduhing handa kang langgamin. Bakit? Malalaman mo pag nagbasa ka. Isa pang babala, siguraduhing marami kang oras, may kahabaan kasi ang blog na ito. Ito na ata ang pinakamahabang blog na nagawa ko.
MGA BAWAL:
· Bawal ang “KJ” (kill joy) dito.
· Bawal ang hindi corny at cheesy dito.
“You will find love in the most unexpected place at the most unexpected time.” Iyan ang sabi sa akin ng isa kong kaibigan noong mga panahon na lugmok ako dahil ako ay isang BRO (broken-hearted). (Ooooops, hindi ito konektado sa blog ko na “Inagaw ang lahat Sa Akin”, eto eh totoong kwentong pag-ibig na).
First Day High
2003. Unang taon ng aking pagtuturo. Kakagradwyet ko lamang ng taong ding iyon, at nagrerebyu para sa nalalapit na board exams. Maaga akong pumasok sa Tuesday class ko ng 7:30 kung saan may mga nakatambay na mga estudyante sa harap ng Adenauer 401 (classroom ko). Napatingin ako sa isang babaeng naka-agaw ng sa aking atensyon dahil na rin sa mapupungay nitong mga mata. May mga tumakbong bagay sa pag-iisip ko ng mga oras na iyon gaya ng – “Magiging estudyante ko kaya eto? Dito kaya siya papasok sa klaseng papasukan ko?”
Nagfirst bell na, hudyat para pumasok na ang mga estudyanteng nakatambay sa labas ng classroom. Hinintay ko kung papasok ang nabanggit kong estudyante ngunit tumayo lamang ‘to at umalis. Hinintay ko ang second bell, nagbabakasakaling babalik at papasok ang naturang babae. Ngunit, subalit datapwat, umabot na sa 3rd bell eh walang magandang babae na mapupungay ang mga mata ang pumasok sa clase ko. Nalungkot ako.
Serendipity
Lumipas ang isang buong semester. Nakalimutan ko na ang naramdaman kong pagkamangha kay “Miss Tantalizing Eyes” (un ang binigay kong codename sa kanya mula nung una at huling araw na nakita ko siya sa unibersidad). Hindi na rin ako umasa na makikita ko pa siyang muli.
Umpisa ng 2nd semester SY 2003-2004. Tuesday ulit. 7:30 to 9:30 ulit ang oras at sa Adenauer 401 ulit ang pasok ko. Hindi kagaya nung unang semester, hindi ako maagang nakapasok. Tapos na ang 1st at 2nd bell kaya dali-dali akong pumasok at tumungo sa classroom. Pagkapasok ko ng classroom, sinabi ko sa mga estudyante ko na isulat nila ang pangalan nila sa isang 1/8th sheet of paper at ipasa eto.
Since unang araw pa lang ng pasukan, classroom rules at getting-to-know each other muna ang aming ginawa. Isa-isa kong tinawag ang mga pangalan sa papel na sinubmit sa akin, hanggang sa tawagin ko ang pangalan na ito —
“Ramirez, Maria S. – Where is Ms. Ramirez?”
May isang babaeng naka-red orange ang blouse ang nagtaas ng kanyang kamay. Mapupungay ang mga mata nito at isang matamis na ngiti ang ibinugad sa aking pagkakatawag ng kanyang pangalan. Mabilis na nagregister sa utak ko ang mukha ng babaeng ito. “Siya nga! Siya na nga!” Un ang paulit-ulit na sinisigaw ng mga neurons ko habang nakatitig sa kanya. Siya yung babaeng binansagan kong “Ms. Tantalizing Eyes”. Siya yung babaeng minsan ko lang nakita noong nakaraang semester na parang bula na lang na nawala dahil ni minsan, hindi ko na uli siyang nakita.
“And how would you like to be called in class Ms. Ramirez?” – pa-simple kong tanong na agad naman nitong sinagot ng –
“Maria SIR.”
Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng marealize ko na SIR o guro nga pala nila ako sa klaseng ito at hindi isa sa mga kaklase nila. Problema nga ba yon? May “university rule” bang nagsasaad na bawal ma-inlab ang isang guro sa kanyang estudyante?
I Think I’m in Love
Mahirap bumangon ng maaga lalo na dito sa Baguio City dahil masarap matulog lalo na at malamig. Pero dahil may dahilan para gumising ng maaga at para na rin hindi malate sa pagpasok sa eskwela, eh talaga namang alas-singko pa lang eh ginigising na ako ng alarm clock ko.
In-short, inspired akong pumasok, lalo na tuwing TTHS dahil na rin kay Ms. Ramirez. Lumipas pa ang ilang araw at linggo, mas lalo akong napapahanga sa kanyang kagandahan at iba pang katangian. Maraming beses kong nahuhuli ang sarili ko na bigla-bigla na lang nakatitig sa kanya tuwing may quiz o seatwork sila… (Hindi ko lang alam kung may mga nakakahuli ding mga kaklase nya sa mga nakaw kong tingin kay Maria).
December na – ibig sabihin, Christmas break. Bigla ko siyang na-miss, hindi nakakatulog sa gabi sa kakaisip at nagigising na lang ako na humihiyaw ang utak ko na tila gustong irelease lahat ng mga kemikals gaya ng 5-HT o 5-hydroxytryptamine, serotonin at epinephrine na nagiging dahilan ng mabilis na pagtibok ng puso ko, at pagka-walang gana sa pagkain. Waaaaaaaaaah! Matagal ko ding di naramdaman ang mga eto…Eto na naman ang mga sinasabi sa kanta nina Jam Morales na ni-revive ni Lea Salonga “I think I’m in love, I think I’m in love with you.. Every single day, every single night, I want to spend them all, with you….” Haaay… I’m in-lab… Sabi ko pa man din sa sarili ko na trabaho muna, at tsaka na yang lab lab na yan…
You Changed My Life in a Moment
January 2004. Excited akong bumalik ng school. Napansin ng mga kabahay ko na sa pagpasok pa lang ng Bagong Taon eh, marami ding nakaakibat na pagbabago mula sa akin – gaya ng mga sumusunod:
· *Tumatagal na akong maligo (dati-rati 5 minutes lang ako kung maligo, 3 minutes kung masyadong malamig, ngayon 20 to 30 minutes na, pagshashampoo pa lang yun ha…).
· *Paglabas sa kwarto ay umaalingasaw ang amoy ng padalang pabango na Polo Sport ni Lola mula Tate…
· *Napapadalas din ang pagpapatugtug ng mga Lab Songs sa kwarto ko gaya ng Love is All That Matters, Falling atbpng sentimental songs na dati-rati naman eh di ko pinapakinggan.
· *Tuwing gabi, kung ano anung baduy na love notes ang sinusulat ko kung saan-saan – mula sa class record ko to my lecture notes hanggang sa kama ko, my mga post it na nakasulat ang pangalang “Maria”.
Nais ko na sanag ihayag kay Maria ang nararamdaman ko pero hindi ko alam kung paano. Medyo natotorpe din kasi ako, bukod dun eh, nag-aalangan ako dahil nga baka may masabi ang marami. Natatakot ako na baka may masabi ang mga kaklase niya o kaya ang mga co-teachers ko. Haaaaaaaaaaaaaaay, ang hirap naman.
Torpedo
Pebrero. Love month. Nataon ang February 14 (Valentines Day) sa araw na sila Maria ang estudyante ko. To break the usual scenario sa klase na lecture lecture lecture, nagkaroon kami ng activity. Tutal, Health Care naman yung subject, tungkol sa Caring ang ginawa naming activity. Gumawa sila ng mga messages of love and care, at dapat nilang ibigay etong mga ito sa mga taong nagbibigay ng inspirasyon sa kanila na nasa classroom. Bago ang dismissal, kinailangan ng ibigay ang mga ginawa nila – laking gulat ko ng iabot sa akin ni Maria ang heart letter na ginawa nya.
“The true measure of love is to love without measure.” – yan ang nakalagay sa iniabot niya sa akin na note. Gusto kong kiligin ng mga oras na iyon. Gustong sumigaw ng puso ko… Naramdaman ko ang pag-init ng mga tenga ko. Hindi ako makapaniwala. Napabuntong hininga na lang ako. Umalis ako ng classroom nila na may napakalaking ngiti sa mukha.
Pagkalabas, may mga nakita akong Valentines booth. Naisipan kong magbigay ng bulaklak na ipapadala ko kay Maria. Dahil nga sa torpe ako, ay hindi ko kinaya na ako mismo ang mag-abot ng rose kay Maria kaya’t inutusan ko ang isang kakilala. Binilin ko sa kanya na wag na wag niyang babanggitin na sa akin galing. Mabuti nalang at napapayag ko siya matapos pangakuan na ililibre ko siya sa Jollibee.
Eto ung nakalagay sa note na binigay ko sa kanya.
Dear Maria,
“The true measure of love is to love without measure.”
Anonymous
Para akong timang nuh? Syempre pa, magkaka-idea sya na ako ang nagbigay dahil kapareho ng binigay nyang note ung inilagay kong note sa bigay ko sa kanyang rose, kahit pa anonymous ang nakalagay. Pero syempre, idedeny ko kung magtatanong sya. Tanga? Torpe? Gago? OO.
Kinahapunan, nilapitan ako ng isang kaibigan niya na naging kaclose ko (si Cassie, na hindi ko estudyante). Tinanong niya ako kung ako daw ba iyong nagbigay kay Maria ng bulaklak. Syempre pa, itinanggi ko. Pero sa bandang huli, nahuli niya rin ako. Nagmakaawa ako na wag na wag niyang sasabihin na ako nga iyong nagbigay. Natawa na lang siya. Tiwala ako kay Cassie na hindi niya sa sasabihin. Sa katunyan, humingi pa ako ng favor sa kanya. Hiningi ko ang cellphone number ni Maria. Binigay naman niya ng walang pagaalinlangan. Ayos, solb!
Kinagabihan, binalak kong itext si Maria, pero mas nanaig ang pagiging torpe ko. Ilang araw pa ang lumipas bago ako nagkaroon ng lakas ng loob para itext siya.
“Hi, Maria. Musta ang school?” (message sent).
“hu u?” (reply ni Maria).Nakalimutan ko, hindi pa pala ako nagpapakilala.
“Ay, sori. Si Sir Rodrigo pala to. =)” (message sent).
“Ay, sir. Kayo po pala. Okay lang naman po.” (reply ni Maria).
“Ah, ok..mabuti naman. Sana hindi ako nakakaistorbo sayo…” (message sent)
Walang immediate reply. 5 minutes na, wala pa din. 10.15. Hay, nakastorbo nga ata ako.
Tooooootoooootooooot. Tunog ng cellphone ko.
“Hi sir, pasensya po, late reply. Gumagawa po kasi ako ng assignment sa Chem”. (text ni Maria)
Sabi ko na nga ba, nakaistorbo ako. Wrong timing. Siyempre, wala na akong nagawa, Kaya –
“Naku, sorry at naistorbo kita. Cge, tapusin mo na yang assignment mo. Goodnight. Sweet dreams… (kinikilig ako ng tinetext ko ang mga ito. message sent..sabay lundag sa malambot kong kama!)
“Kayo din po sir. Goodnyt!” (reply niya pero walang sweet dreams…)
Nahirapan akong matulog ng gabing iyon. Paulit-ulit na nanumbalik ang mga text messages ni Maria sa utak ko. Wala namang ibig sabihin ang mga texts nya, malandi lang talaga ako… ehehehe. Matagal-tagal ko ring hindi naramdaman ang mga eto… In-lab nga talaga ako kay Maria.
Nahirapan akong matulog ng gabing iyon. Paulit-ulit na nanumbalik ang mga text messages ni Maria sa utak ko. Wala namang ibig sabihin ang mga texts nya, malandi lang talaga ako… ehehehe. Matagal-tagal ko ring hindi naramdaman ang mga eto… In-lab nga talaga ako kay Maria.
Bawal na Gamot?
“Hindi ba bawal yan?” Iyan ang tanong ng isa sa mga kaibigan ko.
“Anong bawal dun? Wala naman akong asawa, wala din naman (ata) siyang boyfriend o boylets yun ang sabi ng mga friends niya)”.
“Bahala ka jan, ingat ka. Tsaka baka may masabi ung mga classmates niya…”
“Fair naman ako pagdating sa classroom eh, tsaka alam ko naman ang mga ginagawa ko.”
“Oo na, basta goodluck nalang…”
Iyan ang mga naging usapan namin. Aminado ako, medyo naaburido ako. AT naiinis. Bakit ba kasi may mga ganung bagay. (na kesyo bawal daw ang teacher – student relationship).
Chemistry Week. Kinuha ako ng Department Head ng Chemistry para maging judge sa Talent Showdown nila. Pumayag naman ako. Sa hindi ko inaasahang pagkakataon, kasama si Maria at mga friends niya sa Pop Dance. Ahem, pinagtatagpo ata kami ni destiny. (iyon ang nasa isip ko noon).
Natapos ang show, hindi sila nanalo dahil marami ang mas magagaling sa kanila. Sa labas ng theatre, nakita ko sila. Masaya kahit natalo (para daw sa plus points yun, kaya sila sumali sabi ng isa niyang friend).
“Sir, sama ka sa amin. Coffee tayo sa Klatsch!” – sambit ni Cassie (isa sa mga matatalik na kaibigan ni Maria).
Gusto ko syempre kaso nahihiya naman ako kasi, ilan lang sa kanila ang kakilala ko at hindi naman sure kung kasama si Maria, kaya tinext ko eto kahit na kaharap ko na siya.
“Sama ka sa Kaffe Klutsch?” (message sent)
“Opo, sama daw kayo sabi ni Cassie…” (reply nya)
“Okay lang ba?” (message sent – nananalangin na sana positibo ang reply). Wala siyang reply.
“Sir, sama ka na!” May nagsalita. Sino? Syempre, si Maria! Kinilig ako at siya na mismo ang nagsabi. Hindi na ako tumanggi pa.
Lumipas ang ilan pang mga araw. Matatapos na ang 2nd semester ng school year na iyon. Ilang gabi na rin akong balisa dahil habang tumatagal, para pahirap ng pahirapa ng sitwasyon ko. Namomroblema kasi ako kung paano ko ihahayag kay Maria na gusto ko siya. Sulatan ko kaya siya ng Love Letter? (Baka naman makornihan siya). O, sa text kaya? (Uhm, parang mejo rude ata yun). O personal na lang (hindi naman kaya ako himatayin sa kaba).
Napagpasyahan ko na ang huli ang aking gagawin. Pero – Kelan? Saan? Paano? At mas marami pang tanong ang isa-isang pumasok sa aking isipan.
Kung Okay Lang Sa’yo
March 20, 2004. Last day ng pasukan. Final exams nila sa akin. May ihinandang party ang mga estudyante ko kinagabihan. Pero bago pa ito (medyo fastforward ako ng konti), nasabi ko na kay Maria (sa pamamagitan ng text) na may imumungkahi ako sa kanya. Niyaya ko siya na kami ay mag-usap.
4:30 ng hapon. Starbucks sa John Hay. Dito namin napagpasyahang mag-usap. Kabadong kabado ako ng mga oras na iyon. Hindi ko kasi alam kung saan hahantong ang pag-uusap namin. May halong hiya, takot, kaba at excitement. Si Maria naman eh parang balisa. Kumain muna kami, hanggang dumating sa punto na –
“Ano yung gusto mong sabihin?” – Tanong ni Maria
Hindi ako nakasagot agad sa tanong niya. Lahat ng mga minemorize at prinactice ko noong isang gabi ay unti-unting naglaho. Mabilis akong nag-isip. May mga gusto na akong sambitin pero parang itinali ang dila ko.
“Ano kako yung gusto mong sabihin?” – Tanong ulit ni Maria.
“Ah, eh…” (unti-unit na akong pinagpapawisan).
“Huwag ka sanang magagalit ha, pero matagal na kitang gusto. Hindi ko alam kung dapat ko bang tanungin eto, pero… Pwede ba kitang ligawan?” (nanlalamig na ako sa mga oras na iyon. Hindi ko mawari kung tama ba na itinanung ko iyon sa kanya. Nagiinit na rin ang mga tenga ko, parang anytime eh sasabog na).
Napabuntong hininga si Maria. Ako man ay napabuntong-hininga din.
“Nakakagulat ka naman ssssii.. (gusto niya atang sambitin pa ang salitang sir, pero di niya ito itinuloy). Natutuwa ako sa iyo pero, uhm… Pero wala pa po sa isip ko ang mga sinabi mo. Sobrang strikto ng daddy ko… Wala akong maipapangako sa’yo pero.. ikaw, kung makakapaghintay ka ba…”
Naisip ko, basted na malupit ba ang tawag dito?! Hindi pa rin ako maka-imik. Paulit-ulit na umaalingawngaw sa pandinig ko ang mga kasasambit niyang mga kataga.
“Uy, baka naman hindi mo na ako pansinin niyan…” Sabay tapik ni Maria sa aking kanang balikat.
“Kahit gaano katagal akong manligaw, okay lang sa akin. Hindi naman ako nagmamadali eh…” – iyon naman ang aking nasabi habang nakatitig sa kanyang mga mata.
“Tsaka, bakit naman hindi kita papansinin?” (sabay subo sa kinakain ko).
“Eh malay ko ba kung kagaya ka ng ibang lalaki jan…” – pangiti nitong sagot. Sabay sabi pa ng —
“Naku! Mag-aalas-sais na pala. Baka hinihintay na tayo ng mga classmates ko.” – sabay tingin sa relos niyang suot.
Umalis kami ng Starbucks para tumungo sa class party nila. Napagkasunduhan namin na walang lalabas sa naging paguusap namin.
Kinagabihan, bago ako matulog, muling naglaro sa isip ko ang naging usapan namin ni Maria. Natanong ko ang sarili – “Naging kuntento ba ako sa sagot niya sa tanong ko o may inasahan ba akong ibang sagot?”
Aminado ako – medyo nalungkot ako pero naisip ko din, at least hindi naman talaga ako basted. Kumbaga, may pag-asa pa.
Getting to Know Each Other
May 3-weeks na break from school. At sa mga panahon na iyon, naging madalas ang pagtetextan namin ni Maria. Nagsimula ang summer classes, pareho kaming estudyante noon kasi imbes na magturo, nag-enrol ako para sa Masterals ko. Halos araw-araw ay nakikisabay ako kay Maria sa pag-uwi niya kahit pa sa SLU Men’s Dorm lang ako nakatira. Napapadalas din ang pagbisita ko sa kanya sa kanilang boarding haws. Hindi namin ito pinapahalata sa mga kaklase niya. Ang mga nakakaalam lang na nanliligaw ako sa kanya eh yung mga malapit niyang friends na sina Cassie, She at Jeoms; at syempre yung 2 kabahay niya na sina Jem at Sheryl.
Naaalala ko pa yung mga moments na gusto naming magsine o kumain sa labas, kinakailangan pa na lagi kaming “in-group”. Baka kasi may makahalata yung iba niyang classmates. Salamat kina Cassie, mas nagiging madali para sa amin kasi sinasamahan nila kami.
Matatapos na ang summer classes. Naging mas panatag na ang loob namin ni Maria sa isa’t isa. Naisip ko isang gabi – “Sasagutin na kaya niya ako kung tatanungin ko siya kung pwede bang kami na?”
Pero naisip ko din yung sinabi niya sa akin noon sa Starbucks na wala pa iyon sa kanyang pagiisip. Sabagay, nabanggit ko din naman sa kanya na, kayang ko namang maghintay.
Love Moves in Mysterious Ways
May 22, 2004. Last day ng summer classes. 7pm. Boarding House nila Maria sa Aurora Hill. Naka-black and white na stripes blouse si Maria. Naka-gray na jacket ako, black and white din na shirt at blue cap. Nag-take out kami ng dinner. Matapos magdinner, kwentuhan tungkol sa school. Sumagi ulit sa isip ko yung ideya na tanungin siya kung pwede bang kami na. Pero paano? (Kantahin ko kaya ang “Say That You Love Me” ni Martin Nievera? O kaya, magjoke ng –
Rodrigo: Maria, gusto ko T-shirt na lang ako.
Na sasagutin niya ng –
Maria: Bakit naman?
Rodrigo: Para naman itry mo kung bagay ba ako sayo…
Pero, yaiks!!! Ang corny ko pag ganun. Baka bigla pa niya akong palayasin.
Alas-diyes na ng gabi. Malapit na akong umuwi. 10:30 kasi curfew sa Men’s Dorm. Nakikinig kami ng radyo nun, K-Lite. Biglang tinugtog ang “Love Moves in Mysterious Ways” ni Nina, ng biglang magsalita si Maria…
“May gusto ka bang sabihin o tanungin sa akin?”
Nagulat ako. Gaya ng scenario sa Starbucks 2 buwan na ang nakakalipas, napipipi na naman ako.
“ Ha? Ano naman ang sasabihin o tatanungin ko sayo?” – pangiti kong sagot.
Ilang sandali pa ay nagsalita muli si Maria – “Tayo na!”
Para ata akong nabingi sa 2 salitang binitawan niya. Halong pagkagulat at saya yung naramdaman ko. Parang hindi ako makahinga, ambilis ng pintig ng puso ko. Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit. Sabay tanong ulit –
“TOTOO??? Hindi ka ba nagbibiro?”
“Oo nga…” – buong galak niyang sinabi.
Sana ay nakita ko ang itsura ko matapos marinig ang sinabi niya. Wala na akong maalala sa naging reaksyon ko nang oras na iyon. Ilang minuto pa, kinailangan ko ng umuwi. Isang ngiti ang permanenteng tumatak sa mukha ko habang pauwi ng Men’s Dorm… Habang naglalakad, hindi ko napigilan ang sarili kong sumigaw —
“Woooooohoooooooooo! Kami na…sa wakas, kami na…” (Sabay talon, ngiti, at kampay ng kamay).
Mula noon, ang ngiting dinulot ni Maria sa aking mukha, ay hindi na umalis pa at sa tingin ko hindi na mabubura magpa-kailan pa man…mula sa simbahan hanggang sa aming magiging tahanan.
“Falling in love happens by chance not by choice.
Staying in love happens by choice not by chance.”
Nagmamahal,
Rodrigo
Tapos? Ano nang nangyari? 2004 pa yung last. Mababa ang EQ ko! Pakibilisang isulat ang susunod na mga tagpo. Hahahahha
LikeLike
hahahahaha. jan na nagtatapos yan. wala na akong balita kung ano next na nangyari!
LikeLiked by 1 person
Anubayaaaaan. Why did you do this to me?
LikeLike
Friend, ituloy mo mga oh. Hahahahahaha
LikeLike
Ibang istorya ng binubuo ko. Hahahaha
LikeLike
We demand a continuation. 😂😂😂
LikeLiked by 2 people
Wala ng continuation mam. Wala na sila. 😔😔😔
LikeLiked by 1 person
Sad 😭😭😭
LikeLiked by 1 person